HAKATA YAMAKASA FESTIVAL TO REOPEN
Matapos ang 4 na taon na paghihintay, magbabalik na ang selebrasyon ng Hakata Gion Yamakasa. Ito ay matapos ianunsyo ni Chuya Takeda ang Chariman ng Hakata Gion Yamakasa Promotion Association.
Ang festival na ito ay ginaganap sa Hakata Ward ng Fukuoka City tuwing isa-1 ng Hulyo hanggang ika-15 ng nasabing buwas. Simula ngayong taon, matapos ibaba ang level ng Corona, napag-desisyunan na ibalik na ang selebrasyon na ito sa dati nitong lebel at gawing isang regular na event.
Pinagdiriwang ang Hakata Gion Yamakasa sa pamamagitan ng pagbuhat ng mga float na kilala sa tawag na Kakiyama na may taas ng 5 metro at bigat na isang tonelada. Ang isa pang uri ng float ay ang Kazariyama na may taas na 10 metro at may bigat na mahigit sa dalawang tonelada.
Pinaniniwalaan na nagsimula ang Yamakasa noong Kamakura period kung saan may lumaganap na epidemya. Upang labanan ang ito at tuluyan itong mawala, sinimulan ng taong bayan ang pagsaboy ng tubig sa buong lugar habang sakay ng segaki trellis.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo