今週の動画

TECHNICAL TRAINEE PROGRAM PARA SA MGA DAYUHANG MANGGAGAWA, PLANONG BUWAGIN

Nanawagan ang isang panel ng mga dalubhasa sa gobyerno ng Japan na inatasang sumuri sa technical trainee program na buwagin ito at maglunsad ng isang bagong programa na magbibigay prayoridad sa pag-secure ng manpower.

Nais din ng panel na isama sa bagong programa ang isang sistema na magpapaunlad sa kasanayan para maisulong ang mid-to long-term na trabaho, saad sa ulat ng Jiji Press.

Maraming isyu ang kinasangkutan ng programa tulad ng hindi nababayarang sahod, mahabang oras ng trabaho at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Inilunsad ito ng Japan noong 1993.

Follow me!