SURVEY: 56% NG BABAE SA JAPAN NABABAHALA SA KAKULANGAN NG IPON KAPAG NAGRETIRO
Nag-aalala ang karamihan ng mga babae sa Japan sa hindi pagkakaroon ng sapat na ipon pagkatapos ng pagreretiro, ayon sa resulta ng isang survey tungkol sa kalagayang pinansyal ng mga kababaihan.
Sa isinagawang pag-aaral ng FIL Investments (Japan) Ltd., isang Tokyo-based asset management firm, sa 1,000 respondents, 56% ang nagpahayag ng mga alalahanin sa kakulangan ng ipon para sa pagtanda; 29% ang nagsabing gusto nilang magtrabaho nang higit pa kung mababawasan nila ang kanilang mga gawain sa bahay; 24% ang nakaramdam ng epekto sa sweldo o promosyon dahil sa kanilang kasarian; habang 18% naman ang sumagot na mas mataas sana ang kanilang sweldo at pagkakataon na ma-promote kung maliit lang ang responsibilidad nila sa pagpapalaki ng anak at mga gawaing bahay.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, 56% din sa mga respondents ang hindi sumang-ayon kung sa tingin nila ay kaya nilang mabayaran ang kanilang mga kinakailangang gastos pagkatapos ng pagreretiro gamit ang kanilang pensiyon at ipon.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo