今週の動画

PAGSUSUOT NG FACE MASK SA MGA MALLS, OPTIONAL NA

Ipapaubaya ng apat na pangunahing Japanese department store operators sa mga mamimili ang pagdedesisyon kung magsusuot sila ng face mask sa loob ng kanilang mga gusali at establisimyento simula Marso 13.

Sa ulat ng Jiji Press, susunod ang Isetan Mitsukoshi Holdings Ltd., Daimaru Matsuzakaya Department Stores Co., Takashimaya Co. at Sogo & Seibu Co. sa bagong polisiya ng gobyerno ukol sa mask policy change.

Samantala, una nang inansyo ng Aeon Co. ang parehong desisyon.

Follow me!