今週の動画

MAS MAINIT NA SPRING, SUMMER SA JAPAN, INAASAHAN

Asahan na ang mas mainit na tagsibol at tag-init ngayong darating na Marso hanggang Mayo, ito ay batay sa inilabas na anim na buwang weather forecast ng Japan Meteorological Agency (JMA) nitong Martes.

Ayon sa JMA, mas mataas kesa sa normal ang magiging temperatura sa hilaga, silangan at kanlurang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong buwan, saad ng NHK World-Japan sa isang ulat.

Dagdag pa ng JMA, magiging napakainit sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto dahil sa global warming at La Niña.

Follow me!