今週の動画

BILANG NG MGA NURSING CARE HOMES NA NALUGI TUMAAS NOONG 2022 – SURVEY

Tinatayang nasa 143 nursing care providers ang nabangkarote nitong 2022 o mas mataas ng 76 porsyento kumpara noong 2021 batay sa isinagawang survey ng Tokyo Shoko Research Ltd.

Ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun, umabot sa 22.14 bilyon yen ang kabuuang halaga ng pagkakautang ng mga naturang nursing care providers kung saan ang itinuturong dahilan ay ang COVID-19 pandemic.

Nasa 44 porsyento o 63 ng 143 na nursing care providers ang nalugi dahil sa pandemiya habang nasa 80 porsyento naman ang may pagkakautang ng 100 milyon yen.

Follow me!