TRAVEL DISCOUNT PROGRAM, NAGBALIK NA
Muling ipinagpatuloy ng Japan Tourism Agency ang domestic travel discount na nagsimula nitong Enero 10 upang muling sumigla ang turismo sa bansa, na malubhang naapektuhan dahil sa pandemiya.
Sa ulat ng Jiji Press, tinatayang aabot sa 7,000 yen kada gabi ang maaaring makuhang discount kabilang na ang shopping coupons na maaaring gamitin sa ilang tindahan at restaurants. Ang kasalukuyang discount ay mas mababa kumpara noong nakaraan na pumatak sa 11,000 yen.
Ibababa naman sa 5,000 yen mula sa 8,000 yen kada gabi ang diskwento sa tour packages habang nasa 3,000 yen naman para sa hotel at isang araw na biyahe.
Kailangang magprisinta ng pruweba na nagpabakuna na ng COVID-19 booster shot o kaya ay negatibong resulta ng COVID-19 test. Plano ng gobyerno na iimplimenta ang travel discount program hanggang Marso.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS