BILANG NG MGA BATANG ESTUDYANTE NA MAY OBESITY, TUMATAAS
Tumataas ang bilang ng mga batang lalaki na may obesity mula sa ikalimang baitang sa elementarya at second-year junior high school dahil sa kakulangan ng pisikal na gawain, ayon sa isinagawang test ng Japan Sports Agency.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, nagsagawa ang ahensya ng physical fitness and motor skills sa pagitan ng Abril at Hulyo noong 2022 sa tinatayang 1.9 milyon na mga estudyante mula sa elementarya at junior high school sa buong bansa. Nagtamo ng pinakamababang score simula 2008 ang mga estudyante na sumali sa walong sporting events kabilang na ang 50-meter dash at standing long jump.
Ang kakulangan sa pisikal na gawain ay bunsod na rin umano ng mas maraming oras na paggugol sa panonood ng telebisyon at paggamit ng smartphones pati na rin epekto ng COVID-19 pandemic.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.23NAIA TERMINAL 2, MAGIGING DOMESTIC FLIGHT ONLY TERMINAL MULA HULYO
News(Tagalog)2023.03.23CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO, FULL BLOOM NA
News(Tagalog)2023.03.23¥30K YEN NA AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, SIGURADO NA
News(Tagalog)2023.03.22MAMAMAYAN SA JAPAN, PINAKAAPEKTADO SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE – SURVEY