PRESO NA NAMATAY SA SELDA, PINAGKAITAN NG DOKTOR, BINUGBOG NG MGA OPISYALES
Nakita sa security camera ng istasyon ng pulis sa Okazaki, Aichi Prefecture ang pambubugbog ng ilang police officers sa 43-taong-gulang na bilanggo na may sakit na diabetes at napagkaitan ng medikasyon mula sa mga doktor.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, namatay ang lalaki isang oras matapos dalhin sa ospital dahil sa kidney failure. Lumabas sa imbestigasyon na naging marahas at nagsisisigaw sa selda ang lalaki kaya dinala siya sa “protection room.” Matagal na oras din siyang itinali at pinosasan at hindi ipina-doktor kahit na sinabi nitong mayroon siyang sakit sa pag-iisip at diabetes.
Inaresto ang lalaki noong Nobyembre dahil sa “suspicion of obstructing an officer’s public duties.”
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo