今週の動画

BILANG NG MGA ESTUDYANTE NA MAY DEVELOPMENTAL DISABILITIES, TUMAAS

Ibinunyag ng Ministry of Education na tumaas sa 8.8 porsyento ang bilang ng mga estudyante mula sa elementary at junior high school na nagkakaroon ng developmental disorders gaya ng attention-deficit hyperactivity disorder.

Sa ulat ng Jiji Press, lumabas sa survey na isinagawa mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon na tatlo sa kada 35 estudyante sa klase ang nagkakaroon ng developmental disorders. Ang bilang ay mas mataas kumpara noong Pebro hanggang Marso nang 2012.

Ang resulta ng survey ay batay umano sa report na isinumite ng mga guro at magulang at hindi sa diagnosis ng mga doktor.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /