PAGNANAKAW NG 8,000 YEN AT TATLONG RELO NG PULIS, BISTADO
Nanganganib na mapatalsik sa kanyang trabaho ang isang 29-taong-gulang na pulis, na nakatalaga sa Nasushiobara Police Station, matapos na umamin ito sa pagnanakaw ng 8,000 yen at tatlong relo mula sa isang bakanteng bahay sa bayan ng Nasu.
Sa ulat ng The Mainichi, nagsagawa ang suspek ng imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng isang lalaki na nakatirang mag-isa sa bahay. Napag-alaman ng pulis na mayroon itong nakatagong isang milyon yen kaya sinubukan nitong nakawin ngunit hindi niya nabuksan ang security vault.
Sa halip, kinuha na lamang nito ang 8,000 yen at tatlong relo. Nahaharap ang suspek sa kaso ng pagnanakaw at paglabag sa ordinansa ng prepektura na nagpoprotekta sa personal na impormasyon ng mga residente nito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo