TRAVEL DISCOUNT PROGRAM ITUTULOY, DISCOUNTS BABAWASAN
Plano ng gobyerno ng Japan na ipagpatuloy ang travel discount program na iniimplimenta sa buong bansa simula Oktubre at nakatakda sanang matapos sa Disyembre.
Sa ulat ng Jiji Press, plano rin ng gobyerno na bawasan ang makukuhang diskwento ng isang turista mula 8,000 yen kada gabi ay magiging 5,000 yen sa tour packages kabilang na ang transportasyon habang magiging 3,000 yen mula 5,000 yen naman para sa isang araw na pamamasyal o pamamalagi sa hotel. Babawasan din ang diskwento sa shopping coupons mula 3,000 yen ay magiging 2,000 yen na lamang sa mga regular na araw habang 1,000 yen naman tuwing holidays.
Pansamantalang sususpindihin ang programa mula Disyembre 28 ngunit muling ipagpapatuloy sa Bagong Taon. Kailangang nabakunahan na kontra COVID-19 nang tatlong beses at negatibo sa coronavirus test ang nais sumali sa programa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo