今週の動画

LALAKI MULA SA KANAGAWA ARESTADO SA PANGMOMOLESTIYA NG BATA

Arestado ang isang lalaki na kinilalang si Muneyoshi Kato, 26 at isang empleyado, matapos molestiyahin ang isang babaeng estudyante na 13-taong-gulang pa lamang sa Kanagawa Prefecture.

Sa ulat ng Fuji TV, papauwi na mula sa paaralan ang bata ng sundan ito ng suspek at bigla na lamang hinipuan bago makapasok sa apartment building kung saan ito umuuwi.

Umamin si Kato sa nagawang kasalanan. Aniya, nagawa na niya ito ng halos 10 beses sa ilang batang babae.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /