LALAKI PINATAY ANG MAINGAY NA KAPITBAHAY SA OSAKA
Arestado ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Katsumi Uemura, 69, dahil sa pagpaslang sa kanyang kapitbahay sa apartment building sa Nishinari Ward sa Osaka.
Sa ulat ng Kyodo News, umamin si Uemura na sinaksak niya ang biktima, na nasa edad 50s, matapos nilang magkaroon ng pagtatalo sa pasilyo ng gusali. Ani ng suspek, madalas na nag-iingay ang biktima kaya’t ilang beses na niya itong inirereklamo sa apartment building manager.
Nakahandusay sa pasilyo at duguan ang biktima ng matagpuan ng apartment building manager. Agad na tumawag ito sa 110 ngunit namatay ang biktima dahil sa sobrang pagkawala ng dugo bunsod ng saksak sa dibdib at tiyan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.28MGA AMUSEMENT PARKS SA JAPAN, NAGTAAS NG PRESYO NG TICKET
News(Tagalog)2023.03.28SAKADO CITY, MAGBIBIGAY NG 2,000 YEN BAWAT RESIDENTE PAMBILI NG HELMET
News(Tagalog)2023.03.27MGA DAYUHANG RESIDENTE SA JAPAN, MAS DUMAMI
News(Tagalog)2023.03.27JAPANESE PASSPORT RENEWAL, ONLINE NA