PRESYO NG 833 NA MGA PRODUKTONG PAGKAIN NAGTAASAN NGAYONG NOBYEMBRE
Nagtaas ng presyo ang tinatayang 833 produkto ng pagkain sa Japan simula Nobyembre bunsod na rin nang patuloy na paghina ng yen. Ito ang lumabas sa isinagawang survey kamakailan ng Teikoku Databank Ltd., isang credit research firm.
Sa ulat ng Jiji Press, itinaas ng Meiji Co., Morinaga Milk Industry Co., at Megmilk Snow Brand Co. ang ilan sa kanilang mga produkto na papatak sa 262 ang kabuuang bilang. Bukod dito, tumaas din ang presyo ng mga sitsirya ng Calbee Inc., at ang Oronamin C na inumin ng Otsuka Pharmaceutical Co.
Pumatak na sa 292 yen, na dating nasa 281, ang presyo ng Meiji Bulgaria Yogurt LB81 Plain habang 130 yen, na dati ay 114 yen, ang Oronamin C drink. Inaasahan na mahigit sa 2,000 produkto pa ang magtataas ng presyo sa susunod na taon.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS