BAGONG ECONOMIC PACKAGE INIHAHANDA NG JAPAN
Naghahanda na ang gobyerno ng Japan na maglabas ng bagong economic package para labanan ang tumataas na inflation rate. Kabilang dito ang pagpapababa sa bayarin sa kuryente ng halos 20 porsyento.
Batay sa ulat ng Kyodo News, inaasahan na aabot sa 25 trilyon yen ang halaga ng bagong economic package kung saan bababa ang kuryente sa bawat bahay ng 7 yen kada kilowatt-hour.
Bukod dito, maaari rin makatipid ang bawat kabahayan ng 900 yen kada buwan sa city gas service charges sa pamamagitan ng pagsagot ng gobyerno ng 30 yen kada cubic meter na nagagamit.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.23NAIA TERMINAL 2, MAGIGING DOMESTIC FLIGHT ONLY TERMINAL MULA HULYO
News(Tagalog)2023.03.23CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO, FULL BLOOM NA
News(Tagalog)2023.03.23¥30K YEN NA AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, SIGURADO NA
News(Tagalog)2023.03.22MAMAMAYAN SA JAPAN, PINAKAAPEKTADO SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE – SURVEY