今週の動画

HINIHINALANG MGA BUTO NG TAO NATAGPUAN MALAPIT SA THEME PARK SA OSAKA

Natagpuan ng empleyado ng Universal Studios Japan ang hinihinalang mga buto ng tao malapit sa pamosong theme park sa Osaka hapon ng Oktubre 12.

Batay sa ulat ng Kyodo News, kasalukuyang inaalam ng mga pulis kung ang mga labi, na binubuo ng mga buto na maaaring bahagi ng bungo, ay sa isang lalaki o babae.

Tinutukoy din ng mga pulis ang sanhi ng pagkamatay nito.Tuloy pa rin ang operasyon ng Universal Studios Japan na isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista sa Konohana Ward sa Osaka.

Follow me!