BABAE, GINAHASA MATAPOS PAINUMIN NG TSAA NA MAY PAMPATULOG NG KASINTAHAN
Inakusahan ng panggagahasa ang isang 29-taong gulang na empleyado ng Shibuya Ward office ng kanyang kasintahang babae na nakilala niya sa isang dating app nitong Abril.
Sa ulat ng Kyodo News, inaresto ng mga pulis ang lalake matapos na lagyan umano nito ng pampatulog ang pinainom na tsaa sa kasintahang babae. Sa salaysay ng biktima, inaya siya ng suspek na manood ng pelikula sa apartment nito noong Mayo 1. Nang nasa apartment na ay inaya rin umano siya na makipagtalik ngunit kanya itong tinanggihan. Pagkaraan ay binigyan siya ng tsaa at nawalan ng malay.
Umamin ang lalake sa paratang laban sa kanya. Iniimbestigahan na ng mga pulis kung may mga iba pang ganitong kaso na kinasangkutan ang suspek.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East