¥5.7M NA BAYAD-DANYOS HILING NG PINAY INTERN SA KUMPANYA
Papatak sa ¥5.7 milyon ang hinihinging kabayaran ng Filipina technical intern sa Japan bilang danyos sa inabot nitong harassment sa pinagtatrabahuhan nitong kumpanya sa Fukuoka Prefecture at pumapagitnang ahensiya sa Oita Prefecture sa isasampa nitong kaso sa Fukuoka District Court.
Ito ay matapos na sapilitan siyang pinapapirma ng kumpanya ng isang dokumento na nagsasaad na pumapayag siyang bumalik sa Pilipinas at mag-resign sa trabaho noong Agosto 2021 dahil sa kanyang pagbubuntis, ayon sa ulat ng Kyodo.
Saad ng 26-taong-gulang na intern na dumating sa Japan noong 2019 para magtrabaho, nais niyang bumalik sa trabaho pagkaraan ng kanyang maternity leave. Nakasaad sa batas ng Japan ang pagbibigay ng patas na karapatan sa pagtatrabaho sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan.
Bukod sa ¥5.7 milyon, hiling din ng Pinay na ibigay sa kanya ng kumpanya ang kanyang tatlong buwang sahod, na nagkakahalaga ng ¥500,000, na hindi pa nababayaran sa kanya.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo