INCENTIVE POINTS IBIBIGAY SA MGA MAKAKATIPID NG KURYENTE SA TAGLAMIG
Plano ng gobyerno ng Japan na magbigay ng incentive points sa bawat bahay at negosyo na makakatipid sa kuryente sa panahon ng taglamig.
Tinatayang nasa 1,000 yen o pitong dolyar na halaga ng puntos ang maaaring makuha ng bawat bahay kada buwan habang nasa 140 dolyar na halaga ng puntos naman ang maaaring makuha ng mga kumpanya simula Enero hanggang Marso 2023, ayon sa ulat ng NHK World-Japan. Ito ay kung mapapababa nila ang kanilang konsumo sa kuryente nang mahigit sa tatlong porsyento sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Kailangan lamang magparehistro ng gustong sumali sa mga energy-saving programs ng mga power retailers. Sa kasalukuyan, nasa 287 power retailers na ang nag-apply para sa bagong scheme na ito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo