VISA FREE TRAVEL, SISIMULAN ULIT SA OKTUBRE 11
Sa pinakabagong report, inahayag ni Prime Minister Fumio Kishida noong Setyembre 23 na ang mahigpit na border restriction ng Japan ay planong pagaanin simula sa Oktubre 11 matapos ang dalawang taon na ihinto ang pagpapasok ng turista mula sa ibang bansa.
Ayon sa balita, ang planong pagbabago ay ini-announce kasabay ng kanyang pagbisita at pagbibigay ng mensahe sa New York Stock Exchange.
Ang update na ito ay isa sa malaking balita lalo na sa mga turista na planong bumisita sa Japan. Ang mga papasok na turista ay hindi na kailangan mag-book sa travel agency upang makakuha ng travel clearance o kumuha ng kanilang guided tour upang makapasok sa Japan. Inaasahang tatanggalin din ang limit ng mga darating na bisita.
Maalalang sinuspinde ng gobyerno ng Japan ang lahat ng kasunduan sa mga bansang nakakapasok ng visa-free upang pag-igtingin ang seguridad sa pag-laganap ng Covid-19 sa bansa.
Sa loob ng panahong ito, bumaba ang bilang ng turista at bumagsak ang turismo bilang epekto ng paghihigpit. Sa nakatakdang pagbubukas ulit ng Japan, marami pa din ang nalilito at nag-hihintay ng opisyal na pahayag mula sa gobyerno.
Inaasahan na magkakaron pa ng opisyal na pahayag bago ang tuluyang pagbubukas ng turismo ng Japan sa Oktubre 11.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo