TATAY AKSIDENTENG NAIWAN BUONG ARAW SA SASAKYAN ANG ANAK, PATAY
Patay ang dalawang-taong-gulang na si Seira Fuchigami matapos na makaligtaan ng kanyang ama, 33, na siya ay nasa loob ng kanilang sasakyan. Heatstroke ang tinitingnan na sanhi ng pagkamatay ng bata.
Sa ulat ng Kyodo News, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na inihatid ng ama ang kanyang tatlong anak bandang alas-otso ng umaga sa dalawang magkaibang nursery school sa Osaka Prefecture.
Nang susunduin na umano ng ama ang bata sa nursery school nito sa Kishiwada bandang alas-singko ng hapon ay sinabi ng staff na hindi naman nadala ang bata sa paaralan. Natagpuan ng ama si Seira sa loob ng sasakyan na walang malay at nang dalhin sa ospital ay patay na ito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/30Nag labas ng Tsunami warning ang japan pagkatapos ng M8.7 na lindol sa Kamchatka Peninsula
News(Tagalog)2025/07/24Ang Hokkaido ay maaaring aabot sa 40 degrees Celsius, mapanganib na init na maaaring magdulot ng panganib sa buhay; maging alerto para sa heatstroke
News(Tagalog)2025/07/23Sunog sa 10 palapag na apartment building, posibleng sanhi ng handheld fan habang nagcha-charge; 6 na lalaki at babae ang bahagyang nasugatan, Shinagawa, Tokyo
News(Tagalog)2025/07/18Ang presyo ng condo sa Central Tokyo ay umabot sa record na 130 milyong yen noong Enero-Hunyo