LALAKI NAGTANGKANG MAGNAKAW NG BARIL SA PULIS PARA GAMITIN SA SARILI
Nagtangkang atakihin at pagnakawan ng baril ng isang 26-taong-gulang na lalaki ang isang pulis sa “koban” malapit sa Shibuya Station bandang alas-2:50 ng umaga nitong Oktubre 23.
Sa ulat ng Kyodo News, sinunggaban ng suspek ang pulis sa leeg at pinagbantaan gamit ang gunting at pagkatapos ay nagtangkang nakawin ang baril. Sinabi umano ng suspek na balak niyang gamitin ang baril upang patayin ang sarili, ani ng pulis.
Naaresto ang suspek habang nagtamo ng sugat sa noo ang nabiktimang pulis. Kakasuhan ng assault at attempted robbery ang suspek.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”