COSMETICS, MABENTA SA JAPAN MATAPOS IBABA ANG KATEGORYA NG COVID-19
Tumaas ang benta ng mga cosmetics tulad ng lipstick sa apat na pangunahing department stores sa bansa nitong nakaraang Mayo.
Ito ay ang Isetan Mitsukoshi Holdings Ltd., Daimaru Matsuzakaya Department Stores Co., Takashimaya Co. at Sogo & Seibu Co.
Sa ulat ng Jiji Press, kasunod ito nang pagbaba ng gobyerno sa COVID-19 sa lower-risk category kung saan marami na ang mga tao na hindi nagsusuot ng masks.
Mabenta rin ang mga suits at jackets dahil mas marami na ang mga tao na balik-opisina na mula sa pagiging work from home.
Samantala, tumaas din ang benta ng Daimaru at Takashimaya sa mga duty-free goods sa mga dayuhang turista.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East