JOB OPENINGS SA JAPAN TUMAAS NG 12.7 PORSYENTO

Sinabi ng labor ministry ng Japan na tumaas ng 12.7 porsyento o 2,474,041 ang bilang ng mga job openings sa bansa partikular na sa industriya ng hotel at restaurants na unti-unti nang gumaganda ang takbo ng negosyo.
Sa ulat ng Jiji Press, tumaas ng 0.15 mula 2021 sa 1.28 ang ratio ng bilang ng mga job openings sa bawat aplikante sa mga tanggapan ng Hello Work sa buong bansa.
Bumaba rin sa 2.6 porsyento o 160,000 ang bilang ng mga walang trabaho sa Japan, na unang pagbaba pagkaraan ng apat na taon. Ayon sa internal affairs ministry, ang pagbaba nito ay bunsod na rin nang pagbubukas na muli ng mga negosyo sa bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/08/15Lalaking inatake ng oso sa Mt.Rausu sa Hokkaido, nawawala
News(Tagalog)2025/08/12Ang McDonald’s ay magpapataw ng mga paghihigpit sa pagbebenta ng Pokémon Happy Meal kasunod ng muling pagbebenta at kalituhan, kabilang ang pagkansela ng mga opisyal na membership sa app
News(Tagalog)2025/08/08Ang mga dayuhang naninirahan sa Japan ay may Rekord na 3.68 Milyong Tao;Pagtaas na Nakita sa mga Regional areas Pati na rin sa Mga Pangunahing Lungsod
News(Tagalog)2025/08/05Sumiklab ang apoy sa fireworks barge sa Yokohama festival malapit sa Tokyo

