KISHIDA NANGAKONG MAGBIBIGAY NG DAGDAG NA TULONG SA GITNA NG PAGTAAS NG KURYENTE
Nangako si Prime Minister Fumio Kishida na gagawa ng paraan ang gobyerno upang makatulong sa mga mamamayan nito na nahihirapan sa napipintong pagtaas ng presyo ng kuryente.
Ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun, ipinapatupad na ng gobyerno ang programa upang mas mababa ang babayarang kuryente ng publiko. Mismong si Kishida ang nagsabi sa pagpupulong ng budget committee ng House of Representatives sa balak na dagdag tulong pa ng gobyerno.
Kasama rin sa napag-usapan ang pagpapalawig sa pagbibigay ng child support ng gobyerno upang masolusyunan ang patuloy na pagbaba ng birth rates sa bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa