SINGIL SA KURYENTE BABABA NGAYONG PEBRERO AT MARSO
Nakatakdang bumaba ang singil sa kuryente sa mga kabahayan sa Japan ngayong darating na Pebrero at Marso bunsod nang pagbibigay ng subsidy ng gobyerno.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, papatak sa 7 yen kada kilowatt-hour ang ibibigay na subsidy ng gobyerno kung saan inaasahan na bababa ng hanggang sa 1,800 yen ang babayaran ng isang kabahayan.
Pagkaraan ng dalawang buwan, maaaring tumaas na muli ang singil sa kuryente matapos na humingi ng pag-apruba ang limang kumpanya ng kuryente na kinabibilangan ng Tohoku, Hokuriku, Chugoku, Shikoku at Okinawa ng pagtataas ng singil simula Abril o Hunyo.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa