BILANG NG MGA NAMAMATAY SA COVID-19 MULING TUMATAAS
Muling tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa pagpasok ng Japan sa tinatawag na ikawalong bugso ng pandemiya.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, umabot sa 4,998 ang bilang ng mga namatay na sa unang dalawang linggo pa lamang ng Enero 2023. Matatandaan na pumatak sa 1,864 ang namatay dahil sa COVID-19 noong Oktubre, 2,985 noong Nobyembre, at 7,622 noong Disyembre nang nakaraang taon.
Kalimitan umano ng namamatay ay mga senior citizens kung saan 17.25 porsyento ng kabuuang bilang ay nasa edad 70s, 40.55 porsyento ay nasa edad 80s at 34.76 porsyento ay nasa edad 90s. Tinatayang nasa 62,264 ang kabuuang bilang ng mga namatay simula 2020.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS