MAMAMAYAN NG JAPAN AMINADONG APEKTADO SA PAGTAAS NG MGA BILIHIN – BANK OF JAPAN
Lumabas sa isinagawang survey ng Bank of Japan (BOJ) na karamihan sa mga mamamayan ng Japan ang labis na naaapektuhan sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado.
Sa ulat ng Jiji Press, lumabas na 94.3 porsyento ng mga respondents ang nakapansin nang pagtaas ng bilihin noong nakaraang taon kumpara noong 2021. Nasa 53 porsyento naman ang nagsabi na lalong humirap ang kanilang pamumuhay dahil dito.
Batay ang survey, na isinagawa mula Nobyembre 4 hanggang Disyembre 1, sa 2,108 respondents ng BOJ, na karamihan ay nasa edad 20 pataas at mula sa iba’t ibang prepektura sa buong bansa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East