PRESYO NG BIG MAC AT ILAN PANG PRODUKTO SA MCDO, MAGTATAAS SIMULA ENERO 16
Muling itataas ng McDonald’s Japan ang presyo ng halos 80 porsyento ng kanilang mga produkto simula Enero 16 bunsod nang pagtaas ng mga materyales, paggawa, transporstasyon at elektrisidad.
Sa ulat ng Jiji Press, tataas ng 10 yen hanggang 50 yen ang presyo ng hamburger na mula 150 yen ay magiging 170 yen. Papatak naman sa 450 yen mula sa 410 yen ang Big Mac habang 330 yen naman mula sa 290 yen ang medium-size na French fries.
Ang kanilang premium roast coffee ay magiging 180 yen na mula 150 yen habang nasa 240 yen mula 220 yen ang medium-size na sodas. Pareho pa rin ang presyo ng Happy Set para sa mga bata.
Ito na ang pangatlong beses na pagtataas ng presyo ng McDonald’s Japan sa loob ng ilang buwan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa