BAGONG PATAKARAN SA PAGKA-AMA PAGKARAAN NG DIBORSYO, SINUSUGAN
Sinusugan ng Parliament ang batas hinggil sa kung sino ang maaaring tumayong ama ng isang bata makaraan ang pagdidiborsiyo ng mga magulang nito.
Sa ulat ng Kyodo News, nakasaad sa kasalukuyang batas na ang pagka-ama sa sanggol na ipinanganak sa loob ng 300 araw simula ng diborsyo ay mapupunta sa diniborsyong asawa nito kahit na nagpakasal muli ito pagkaraan ng 100 araw na ban.
Sa bagong batas, ang dating asawa nito ang magiging ama ng sanggol kung ang babae ay hindi pa nagpakasal muli sa oras ng panganganak nito. Tatanggalin na rin ang pagbabawal sa diborsiyadong babae na mag-asawang muli sa loob ng 100 araw pagkaraan ng diborsyo.
Magiging epektibo ang bagong batas na ito sa loob ng 18 buwan simula ng pagsusog.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS