PAGMAMALTRATO NG 22 CORRECTION OFFICERS SA NAGOYA, IBINUNYAG
Ibinunyag ng Justice Ministry ng Japan ang pagmamaltrato umano ng 22 correction officers sa tatlong bilanggo sa Nagoya Prison sa Aichi Prefecture sa pagitan ng Nobyembre 2021 hanggang huling linggo ng Agosto ngayong taon.
Sa ulat ng Jiji Press, ilan sa mga ginawa ng mga suspek ay ang pananampal sa mukha at kamay ng mga bilanggo na nasa edad 40s hanggang 60s, pagsasaboy ng sanitizer sa mukha, at pamamalo sa likod gamit ang sandalyas.
Napag-alaman ang karahasan ng mga opisyales nang sabihin ng isang bilanggo na sanhi ng pagmamaltrato sa kanila ang natamong sugat sa kaliwang mata. Humingi naman ng paumanhin ang Justice Ministry hinggil dito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East