PINAY WALANG ATUBILING TINULUNGAN ANG NAWAWALANG DALAWANG-TAONG-GULANG NA BATA SA FUKUOKA
Walang atubiling tinulungan ng Pinay na si Mariano Maryjane Tsunoda, 49, ang dalawang-taong-gulang na bata na palakad-lakad sa Fukuoka bandang 12:50 ng madaling araw noong Nobyembre 9.
Ayon sa ulat ng The Mainichi, nabuksan ng bata ang pintuan ng kanilang bahay at nakalabas habang natutulog ang kanyang ina. Nakita ni Tsunoda ang bata at agad na tinulungan ito ngunit hindi niya dala ang kanyang cellphone para tumawag sa mga pulis kaya pinakiusapan niya ang dumaan na bumbero na si Yuya Ishida, 19, para tumawag sa mga pulis.
Pinasalamatan ng Fukuoka Prefectural Police’s Kasuga Police Station at binigyan ng “letters of gratitude” sina Tsunoda at Ishida dahil sa ginawa nilang pagtulong sa bata.
この記事を書いた人

最新の投稿
blog2025/07/14What is inverted fuji or sakasa fuji?
News(Tagalog)2025/07/14Kumikilos ang Bagyong No. 5 sa hilagang silangan ng Kanto sa ika-14 ng Lunes. Ang Kanto at Tohoku ay nakaalerto para sa malakas na ulan, malakas na hangin, at mataas na alon.
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo