MAKUKUHANG LUMP SUM SA PANGANGANAK ITATAAS SA 500,000 YEN
Plano ng gobyerno ng Japan na itaas sa 500,000 yen mula sa 420,000 yen ang matatanggap na lump sum sa bawat isang batang maipapanganak at ang pangangalaga rito. Ang pagtataas na ito ay maaaring iimplimenta sa Abril nang susunod na taon.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, ang hakbang na ito ay upang matulungan ang bawat pamilya sa maayos na pagpapalaki ng bata sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado.
Kukunin ang pondo sa pampublikomg health insurance premiums na kinukolekta ng mga health insurance associations at iba pa. Nakatakdang ianunsiyo ito ni Prime Minister Fumio Kishida sa mga susunod na araw.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East