今週の動画

PANG-AABUSO SA MGA NURSERIES IIMBESTIGAHAN NG GOBYERNO

Magsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno hinggil sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga nurseries sa buong bansa pati na rin ang ginagawang aksyon ng mga munisipalidad.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, ito ang naging desisyon ng gobyerno matapos na maaresto ang tatlong guro, na nagtatrabaho sa isang nursery sa Susono, Shizuoka Prefecture, dahil sa pang-aabuso sa mga sanggol.

Bukod sa pang-aabuso, napag-alaman din ng gobyerno ang naging mabagal na pag-aksyon ng mga awtoridad sa munisipalidad at ang pagtatakip ng pamunuan ng naturang nursery sa ginawa ng kanilang mga guro.

Follow me!