55 MILYON YEN NA-SCAM SA MATANDANG BABAE SA KASHIWA CITY
Tinatayang nasa 55 milyon yen ang na-scam sa isang 80-taong-gulang na babae, nakatira sa Kashiwa City, na nakatanggap ng tawag mula Agosto 9 hanggang Oktubre 20 mula sa nagpapanggap na empleyado ng National Consumer Affairs Center of Japan.
Sa ulat ng Sankei Shimbum, sinabi sa biktima na nakompromiso umano ang kanyang personal na impormasyon at ginamit ito upang makapag-transfer ng pera.
Ito umano ang dahilan kaya apat na beses na nagbigay ang biktima ng kabuuang halaga na 55 milyon yen sa isang lalaki na nagpanggap na mula sa Financial Services Agency. Naghinala na lamang ito ng hindi na-refund ang pera at walang sumasagot sa numerong ibinigay sa kanya ng lalaki kaya nagsumite siya ng report sa mga pulis noong Nobyembre 6.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS