TATLONG GURO SANGKOT SA PANG-AABUSO SA MGA ESTUDYANTE NG NURSERY SCHOOL
Iniimbestigahan ng mga pulis ang pang-aabuso umano ng tatlong guro mula sa isang pribadong nursery, Sakura Hoikuen, sa Shizuoka Prefecture sa mga estudyante nito na nasa edad isang-taong-gulang pataas.
Sa ulat ng Kyodo News, sangkot ang tatlong guro sa 15 kaso ng pisikal na pang-aabuso at pagsasabi ng masasakit na salita sa mga estudyante kabilang na ang paghawak sa mga ito nang patiwarik bilang paraan umano ng pagdidisiplina.
Umamin ang mga guro sa kasalanan, na umabot ng tatlong buwan bago maiimbestigahan dahil sa pagtatakip ng school head nito nang makatanggap ng reklamo noong Agosto.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.23NAIA TERMINAL 2, MAGIGING DOMESTIC FLIGHT ONLY TERMINAL MULA HULYO
News(Tagalog)2023.03.23CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO, FULL BLOOM NA
News(Tagalog)2023.03.23¥30K YEN NA AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, SIGURADO NA
News(Tagalog)2023.03.22MAMAMAYAN SA JAPAN, PINAKAAPEKTADO SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE – SURVEY