BILANG NG MGA WALANG TRABAHO BUMABA NA SA 1.8 MILYON
Inihayag ng Internal Affairs ministry ng Japan na bumaba na sa 1.8 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa Japan. Ito na ang ika-16 na buwan na sunud-sunod na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho.
Sa ulat ng NHK World-Japan, sinabi ng tanggapan na mahigit sa 67 milyon katao na ang may trabaho sa bansa, mas mataas ng kalahating milyon kumpara noong nakaraang taon.
Tumataas ang bilang ng mga bakanteng trabaho, partikular na sa mga hotels at restaurants, dahil sa mas marami ng turista ang dumadagsa sa bansa. Sa bawat 100 aplikante ay mayroon umanong 135 na bakanteng trabaho.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East