LALAKING NATULOG SA PARKE SA OSAKA NINAKAWAN NG TATLONG SUSPEK
Nabiktima ng dalawang lalaki at isang babae ang isang 20-taong-gulang na lalaking empleyado matapos itong pagnakawan sa isang park sa Sakai, Osaka Prefecture nitong Nobyembre 27.
Sa ulat ng Sankei Shimbun, nakatulog ang biktima sa isang bangko sa parke matapos na hindi maabutan ang huling biyahe ng tren. Nakita siya ng tatlong suspek at hiningan ng pera habang may hawak na patalim.
Nakuha sa biktima ang 20,000 yen at credit cards. Iniimbestigan na ng mga pulis ang kaso at tinutugis ang mga suspek gamit ang surveillance camera sa lugar.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS