今週の動画

HEALTHWORKER SINUNTOK ANG 80-TAONG-GULANG NA RESIDENTE NG NURSING HOME, ARESTADO

Arestado ang nursing care worker na kinilalang si Motoki Nakashima, 29, matapos na suntukin ang isang babaeng residente, na nasa edad 80s, sa Group Home Hibari sa Kumamoto City.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, umamin sa kasalanan ang suspek ngunit walang ibinigay na rason o motibo hinggil sa insidente. Napansin na lamang ng isang empleyado sa nursing home ang sugat sa ulo nito kaya tumawag ito sa 119 upang dalhin sa ospital.

Nagtamo ang biktima ng hemorrhage dahilan upang tumawag ang ospital sa mga pulis upang i-report ang posibilidad na pang-aabuso sa bikitma.

Follow me!