PAGDEDEKLARA NG STATE OF EMERGENCY DAHIL SA COVID-19 NAKASALALAY SA KALAGAYAN NG SISTEMANG MEDIKAL SA JAPAN
Bilang paghahanda sa maaaring pagpasok ng Japan sa “8th wave of infection,” nagbigay ang gobyerno ng alituntunin hinggil sa pagpapatupad ng safety protocols sa bawat prepektura.
Sa ulat ng Jiji Press, apat na bahagdan pa rin ang susundin sa pagkakategorya sa lala ng COVID-19 infection sa bansa na nakasalalay ngayon sa sitwasyon ng sistemang medikal. Kapag umabot sa Level 3 ang COVID-19 infection at maraming pasyente ang pumupunta sa mga ospital, maaaring ipatupad ng mga gobernador ng iba’t ibang prepektura ang pagbabawal sa paglabas ng mga residente.
Idedeklara naman ang Level 4, ang pinakamataas sa apat na bahagdan ng COVID-19 infection, kapag hindi na kinakaya ng mga ospital at iba pang pasilidad na pang-medikal ang pagdagsa ng mga pasyente dahil sa coronavirus.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS