27 MILYON YEN NA SAHOD HABOL NG VIETNAMESE TRAINEES SA DATING KUMPANYANG PINAGTATRABAHUHAN
Nasa kabuuang 27 milyon yen ang halaga ng hinahabol na bayad ng 11 Vietnamese trainees sa dating pinagtatrabahuhang kumpanya na Koshimizu Hifukukogyo na nasa Seiyo, Ehime Prefecture.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, ang halagang iyon ay bilang kabayaran dapat sa mga oras na ginugol bilang overtime ng mga naturang Vietnamese trainees, na nagbitiw sa kanilang trabaho noong Nobyembre 4.
Ipinangako umano sa kanila ng pamunuan ng Koshimizu Hifukukogyo na unti-unting babayaran nito ang 2.2 hanggang 2.6 milyon yen na kakulangan sa sahod. Subalit, pagkaraan ay nalaman nila na magdedeklara na ng pagkalugi ang kumpanya. Nais ng Vietnamese trainees na makuha ang kanilang bayad kahit na anong mangyari kaya dumulog sila sa isang nongovernment organization upang matulungan sila.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa