APAT-NA-TAONG-GULANG NA BATA NAHULOG MULA SA IKA-10 PALAPAG NG GUSALI, PATAY
Patay ang apat-na-taong-gulang na batang lalaki matapos na aksidente itong mahulog mula sa ika-10 palapag ng tinitirahang apartment sa Hachinohe, Aomori Prefecture noong Nobyembre 13.
Ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na naikandado ng bata ang pintuan sa kanilang apartment habang nagbaba ang ina nito ng basura. Pagbalik ng ina sa apartment ay sarado ito at hindi umano mabuksan ng bata ang pintuan kaya humingi ng tulong ang ina sa police box.
Natagpuan na lamang na nakahandusay ang bata sa unang palapag ng kanyang ina at ng isang pulis. Ayon sa mga pulis, maaaring nadala ng bata ang upuan sa balkonahe upang makadungaw na naging dahilan ng pagkahulog nito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East