PAGKAMATAY NG BABAE SA AICHI MATAPOS MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19 INIIMBESTIGAHAN
Iniimbestigahan na ng Aichi Medical Association ang pagkamatay ni Ayano Iioka, 42, matapos nitong magpabakuna kontra COVID-19 sa Aisai, Aichi Prefecture noong Nobyembre 5, ayon sa ulat ng Kyodo News.
Lumabas na pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos mabakunahan laban sa BA.5 Omicron subvariant ng COVID-19 ay lumala ang pakiramdam nito, nahirapang makahinga, at sumuka na may kasamang dugo. Dinala kaagad si Iioka sa ospital ngunit namatay ito pagkaraan lamang ng 90 minuto.
Mayroong nang naunang kundisyong medikal si Iioka ngunit pinag-aaralan din ang posibilidad na maaaring namatay ito dahil sa anaphylactic reaction o matinding allergy sa bakuna.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.20‘HARRY POTTER’ THEME PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO SA HUNYO 16
News(Tagalog)2023.03.20PASAHE SA TREN SA TOKYO AREA AT KARATIG-LUGAR, TUMAAS
News(Tagalog)2023.03.1733,900 TURISTANG PINOY BUMISITA SA JAPAN NOONG PEBRERO
News(Tagalog)2023.03.17¥30,000 AYUDA, PLANONG IBIGAY NG JAPAN SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS