SINGIL SA KURYENTE, PLANONG TAASAN NG TEPCO
Plano ng Tokyo Electric Power Company Holdings Inc. (TEPCO) at lima pang kumpanya na magtaas ng singil sa kuryente sa bawat kabahayan sa 2023 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, ayon sa ulat ng Jiji Press.
Subalit, nasa kamay ng gobyerno ng Japan kung aaprubahan nito ang plano ng TEPCO.
Matatandaan na huling nagtaas ng singil sa kuryente ang kumpanya noong 2012.Bukod sa TEPCO, plano rin ng lima pang kumpanya kabilang na ang Tohoku Electric Power Co. at Hokuriku Electric Power Co. na magtaas din ng singil sa kuryente dahil sa parehong rason.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.23NAIA TERMINAL 2, MAGIGING DOMESTIC FLIGHT ONLY TERMINAL MULA HULYO
News(Tagalog)2023.03.23CHERRY BLOSSOMS SA TOKYO, FULL BLOOM NA
News(Tagalog)2023.03.23¥30K YEN NA AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, SIGURADO NA
News(Tagalog)2023.03.22MAMAMAYAN SA JAPAN, PINAKAAPEKTADO SA PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE – SURVEY