HALOS ISANG MILYON PAMILYA NAG-APPLY UPANG MAIWASAN ANG PAGBABAYAD NG COVID-19 LOAN
Tinatayang nasa 791,000 pamilya ang nagsumite ng aplikasyon sa gobyerno upang hindi na makapagbayad ng loan na kanilang nahiram nang nagsimula ang pandemiya noong Marso 2020. Karamihan sa mga nag-apply ay hindi kaya umanong magbayad kada buwan.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, magsisimula ang pagbabayad ng naturang loan sa darating na Enero. Umabot ng hanggang dalawang milyon yen ang ilan sa mga nakatanggap ng loan na ibinigay sa bawat kabahayan na nakapagbigay ng dokumento na nawalan sila ng kita bunsod ng pandemiya.
Nasa 315,000 na ang nabigyan ng exemption sa pagbabayad ng loan na nagkakahalaga ng 104.7 bilyon yen. Nasa 3.35 milyon ang nabigyan ng loan o aabot ng humigit-kumulang sa 1.43 trilyon yen.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/07/11Mahigit sa 800 na pinaghihinalaang nandaraya sa TOEIC English exam sa Japan
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa