CONSULTATION CENTERS PARA SA LGBTQ COMMUNITY KAILANGANG DAGDAGAN – ReBIT
Sinabi ni Mika Yakushi, 33, reprentative director ng nonprofit organization na ReBit, na kailangang dagdagan ng gobyerno ang mga pasilidad para sa mga LGTBQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na maaari nilang pagtanungan ng tungkol sa kanilang sekswalidad nang walang inaalala.
Sa ulat ng Jiji Press, ito ang naging tugon ni Yakushi matapos na lumabas sa isinagawang survey ng ReBit noong Setyembre 4-30 na 48.1 porsyento ng mga napapabilang sa LGBTQ community, na nasa edad 12-34, ang naisip na magpatiwakal habang nasa 14 porsyento naman ang nagtangka ng magpakamatay.
Lumabas din sa survey na 91.6 porsyento ng mga rumesponde ay ayaw o takot na kunsultuhin ang kanilang pamilya o malalapit na kakilala tungkol sa kanilang sekswalidad. Nasa 93.6 porsyento naman ang nagsabi na hindi rin nila kayang makausap ang kanilang mga guro tungkol sa kanilang pinagdadaanan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East