ORDINANSA PARA MATULUNGAN ANG MGA ADIK SA PAGSUSUGAL IPINASA NG OSAKA
Naipasa ang kauna-unahang ordinansa sa Osaka na may layon na masugpo ang adiksyon sa pagsusugal at matulungan ang mga tao na gumon sa rito. Tinatayang nasa 98,000 residente ng Osaka, na may mga pasilidad ng tayaan sa karera ng kabayo at speedboat, ang sinasabing gumon sa pagsusugal batay sa isang survey na isinagawa noong 2020.
Batay sa ulat ng Jiji Press, nakapaloob sa ordinansa ang pagtulong sa mga adik sa sugal na makapagpagamot nang walang inaalala. Ito ay sa pamamagitan na rin ng pagtatayo ng foundation na tatanggap ng mga donasyon mula sa iba’t ibang organisasyon at kumpanya.
Dagdag pa sa ulat ng Jiji Press, nais ng Osaka na ipatupad ang “furusato nozei” hometown tax donation system para sa mga kumpanya. Nasa 52 milyon ang pondo ng Osaka ngayong 2022 sa pagsugpo ng iba’t ibang klase ng adiksyon kabilang na sa droga at alak.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2023.03.28MGA AMUSEMENT PARKS SA JAPAN, NAGTAAS NG PRESYO NG TICKET
News(Tagalog)2023.03.28SAKADO CITY, MAGBIBIGAY NG 2,000 YEN BAWAT RESIDENTE PAMBILI NG HELMET
News(Tagalog)2023.03.27MGA DAYUHANG RESIDENTE SA JAPAN, MAS DUMAMI
News(Tagalog)2023.03.27JAPANESE PASSPORT RENEWAL, ONLINE NA