PAGBEBENTA NG ‘GO TO EAT’ COUPONS SINIMULAN NA NG TOKYO
Nagsimula na ang Tokyo na magbentang muli ng “Go To Eat” coupons matapos itong pansamantalang suspindihin noong Nobyembre 2020 dahil sa COVID-19.
Sa ulat ng NHK Japan-World, maaaring makabili ng meal coupons kung saan makakakuha sila ng karagdagang 25 porsyento na higit sa binayaran nila. Halimbawa, ang meal coupons na nagkakahalaga ng 12,500 yen ay maaaring mabili na lamang ng 10,000 yen.
Sinimulan na ang aplikasyon at pagbebenta ng online coupons nitong Oktubre 26 habang sa Nobyembre 10 naman ang paper coupons. Ibebenta ang coupons hanggang Disyembre 25 o hanggang sa maubos ito at maaaring gamitin hanggang Enero 25. Maaari rin umanong bumili ang mga mula sa ibang prepektura.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East