AMA NA NANG-IWAN NG BATANG ANAK SA PARKING LOT KAKASUHAN NG PAGPAPABAYA
Arestado ng mga pulis si Masayoshi Tateno, isang empleyado, sa Kashima, Ibaraki Prefecture matapos na iwan nito ang kanyang apat na taong gulang na anak sa isang parking lot dahil hindi ito umano nakikinig sa kanya.
Batay sa ulat ng Kyodo News, umamin ang suspek sa mga pulis na iniwan niya sa parking lot ang kanyang anak bandang alas-otso ng gabi noong Oktubre 11 upang disiplinahin ito.
Ini-report ng isang babae sa mga pulis nang makita niya ang bata na naglalakad mag-isa. Nagtagpuan itong may mga pasa sa ulo at kasalukuyang iniimbestigahan kung sinaktan ang bata ni Tateno. Nahaharap sa kaso ng pagpapabaya si Tateno.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/06/26Binuksan ng Lawson ang next generation convenience store na pinapagana ng AI sa Tokyo
News(Tagalog)2025/06/24Sinimulan ng Japan ang pre-entry TB checks para sa mga dayuhang mananatili nang higit sa 3 buwan
News(Tagalog)2025/06/20Ang mga Japanese National ay Umalis sa Israel, Iran patungo sa mga Kalapit na Bansa
News(Tagalog)2025/06/16Ang mga presyo ng ginto ay tumama sa bagong record high habang lumalala ang sitwasyon sa Middle East